Iniugnay ni Senator Francis Tolentino ang napaulat na pagtangal at pagsira ng corals sa West PH sea sa posibleng reclamation project sa lugar.
Ayon sa Senador, may mas malalim pang ginagawa kaya nagkaroon ng ganoong akibidad sa lugar at may ibang plano marahil ang gumagawa sa likod ng napaulat na malawakang coral harvesting.
Inihayag pa ni Sen. Tolentino na pasimula umano ang pagpatay sa corals sa planong reclamation.
Magugunita noong araw ng Sabado, sinabi ng Armed Forces of the Philippines Western Command na may mga kaso ng malawakang coral harvesting sa Rozul o Iroquios reef na nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.
Ito ay matapos na magpadala ng divers sa lugar para magsagawa ng underwater survey pagkaalis ng Chinese military militia vessels na dumagsa sa lugar.
Kung saan dito na nadiskubre na nasira ang mga coral at mayroong mga naiwang debris.