-- Advertisements --

Kasalukuyan dinidinig pa ng Toll Regulatory Board (TRB) ang ibang mga petisyon para sa toll hike kabilang ang South Luzon Expressway (SLEX).

Ito ay matapos aprubahan ng board ang provisional toll hike para sa North Luzon Expressway (NLEX) noong nakalipas na Sabado na magiging epektibo sa araw ng Huwebes, Hunyo 15.

Ayon sa TRB ang toll hike ay parte ng authorized periodic adjustment due noong 2012, 2014, 2018 at 2020.

Inihayag ni TRB Spokesperson Julius Corpuz, sumasailalim pa sa ngayon sa masusing pag-aaral ang toll hike petitions para matiyak na nabubusisi ang lahat ng aspeto ng toll fee hike.

Paliwanag pa ng TRB official na sa pagpapasya kaugnay sa toll fee adjustment , kailangan na mabalanse ang interes sa pagitan ng publiko, gobyerno at tollway operators.