Sintomas ng naghihingalong kalagayan ng agrikultura sa bansa ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain, ayon kay Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat.
Patunay lamang aniya ito na bigong maprotektahan hindi lamang ang mga magsasaka at mangingisda, kundi maging ang mga programa sa agrikultura na naglalayon sanang palakasin ang roadmap ng bansa sa food sovereignty.
Nakikiusap si Cabatbat sa pamahalaan na tutukan ang sektro ng agrikultura at huwag gawing sagot palagi kapag nakakaroon ng krisis na taasan ang pag-aangkat ng pagkain sa bansa dahil lalo lamang itong nagpapahirap sa publiko at pinapatay din nito ang sariling industriya ng pagsasaka at pangingisda sa bansa.
Umaasa ang kongresista na paiigtingin ng Department of Agriculture (DA) ang sugested retail price review mechanism nito, at tugunan ang problema labans amga mapansamantalang smugglers at middleman na kinokontrol presyo sa mga pamilihin.
Kailangan din aniya na magkaroon ng malalim na programa para sa farm-to-market roads, input support, modernization, mechanization, transporattion, at storage para mapahaba ang shelf-life ng mga produkto at mabawasan din ang pagkalugi ng mga magbubukid.
Higit sa lahat, sinabi ni Cabatbabt na dapat baguhin talaga ang priority focus ng pamahalaan sa pagkamit ng self-sufficiency at food sovereignty upang sa gayon ay maiwasan nang maulit pa sa hinaharap ang paglutang ng mga problema patungkol sa pagkain.
Iginiit ng kongresista na hindi lamang ang mga magsasaka at mangingisda ang mapoprotektahan ng pagkakaroon ng food security ng bansa kundi maging ang mga mamimili rin.










