CAUAYAN CITY – Hindi inaalis ng OCTA research Group na magkaroon ng pagtaas sa positivity rate ng COVID-19 sa bansa dahil sa pagpasok ng omicron sub-variant na BQ 1.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Guido David, miyembro ng OCTA reseach Group na sa Isabela ay nakitaan ng pagbaba ng positivity rate na 45% mula sa 49%.
Ang pinagtutuunan nila ngayon ng pansin ay ang Metro Manila na tumaas ng 10% ang positivity rate matapos pumasok ang omicron sub-variant na BQ 1 na naunang nagdulot ng pagtaas ng kaso sa Estados Unidos.
Aniya, kahit na bakunado na ang isang tao ay maari pa ring mahawaan ng Omicron Sub-Variant BQ 1.
Ang dapat gawin ay hindi babaguhin ang polisiya ng DOH upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa matapos ang holiday season.