-- Advertisements --

Lumipat na sa ibang probinsiya ang pagtaas na kaso ng COVID-19.

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, na sa nagdaang mga araw ay nakita ang pagbabab ng kaso ng COVID-19.

Kapansin-pansin aniya na mula noong Enero 12 ay lumubo ang kaso ng COVID-19 na naitatala sa mga probinsiy ang Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Bagamat bumaba ay nanguna pa rin ang Metro Manila sa dami ng mga bagong kasong naitala.

Sinundan ito ng mga lugar gaya ng Misamis Oriental, Benguet, Pampanga, Iloilo, Davao del Sur, Batangas, Bulacan, Cebu, Cavite, Rizal at Laguna.