-- Advertisements --
Papayagan ng mga hindi magsuot ng face mask ang mga mamamayan na naturukan na ng COVID-19 vaccine sa US.
Ito ang naging bagong kautusan ng Centers for Disease Control matapos na maraming mga kababayan na nila ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.
Paglilinaw pa ng CDC na kailangan pa ring magsuot ang mga ito ng mask kung sila ay nasa matataong lugar at kapag naturukan na sila ng dalawang dose ng bakuna.
Kailangan din magsuot ng mga face mask kapag ang isang indibidwal ay nasa loob ng establishimento gaya ng sinehan, indoor shopping centers , museum at iba pa.