-- Advertisements --

Binigyan pa ng Department of Justice-National Prosecution Service (DoJ-NPS) ng mas mahabang panahon si Sen. Koko Pimentel upang magsumite ng kanyang counter affidavit kaugnay sa reklamong paglabag sa quarantine protocol.

Sinabi pa ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, pinalawig nang hanggang July 15 ang deadline sa pagsusumite ng kontra salaysay ng senador.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, desisyon umano ng assigned prosecutor na palawigin ang deadline sa pamamagitan ng amended order.

Pero sakaling maisumite ni Pimentel ang kanyang counter affidavit at wala ng partido na maghahain ng reply at rejoinder ay idedeklara na itong submitted for resolution.

Noong Abril nang inireklamo ni Atty. Rico Quicho si Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols habang umiiral ang enhanced community cuarantine (ECQ).

Naging usap-usapan ang ginawa ng senador noong March 24 dahil nagtungo ito sa Makati Medical Center para samahan ang manganganak na misis.

Pero sa mga panahong iyon ay dapat naka-quarantine daw si Pimentel matapos magkaroon ng sintomas ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kalauna’y nagpositibo sa naturang virus.