Muling pinagtibay ng Presidential Communications Office ang pangako ng pamahalaan sa pagtataguyod ng free media environment para sa mga mamamahayag sa bansa.
Ipinahayag ito ng PCO kasabay ng pagdiriwang at paggunita sa World Press Freedom Day kung saan kinilala nito na kumakaharap sa iba’t-ibang banta, intimidationm harrassment, at karahasan ang mga mamamahayag at media organizations sa Pilipinas.
Ayon sa kagawaran, ang mga mamamahayag ay mayroon mahalagang papel para sa isang malaya at independenteng pamamahayag na nagtataguyod sa demokrasya, transparency, at prinsipyo ng karapatang pantao.
Kasabay nito ay kinondena rin ng PCO ang lahat ng uri ng pag-atake, at karahasan sa mga mamamahayag kasabay ng panawagan para sa proteksyo ng mga ito hindi lang sa bansa kundi pati na rin sa buong mundo.