-- Advertisements --

Mariing tinutulan ng Commission on Human Rights (CHR) ang muling hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Sa isang statement ipinunto ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia na paglabag sa international treaty na nilagdaan ng Pilipinas ang panukalang bitay bilang parusa sa mga kriminal.

Ayon kay De Guia, sumang-ayon noon ang estado sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights.

Sa ilalim nito, nakikiisa ang Pilipinas sa pagsuporta sa ano mang hakbang kontra pagpatay o execution bilang punishment.

Nilinaw ng CHR na suportado nila ang laman ng ulat ni Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) dahil malaki naman daw talaga ang tulong nito sa aniya’y “economic, social, and cultural human rights.”

“While these fulfill certain government obligations, we also reiterate our strong position against the reimposition of death penalty.”

“Instead, what we need is a strong, responsive justice system that won’t allow perpetrators of crimes escape the long arm of the law—including plunders and those involved in illegal drug sale and use.”