-- Advertisements --
Tinanggal na ng mga simbahang sakop ng Archdiocese ng Manila ang mandatory na pagsusuot ng facemask.
Sa circulara na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na kanilang susundin ang alituntunin ng gobyerno sa pagtanggal na ng pagsusuot ng facemask.
Paglilinaw nito na ipapaubaya na lamang nila sa mga tao kung nais nilang magsuot ng face mask o hindi.
Kasabay din nito ay maari na ring tumanggap ng komuniyon gamit ang bibig na noong kasagsagan ng pandemya ay ipinagbawal ito.
Hinikayat din nito ang mga simbahan na kung maaari ay huwag munang tanggalin ang mga alcohol dispenser .
Magugunitang idineklara na ng gobyerno ang pagtatapos ng pandemiya at binawi na ng gobyerno ang State of Public Health Emergency laban sa COVID-19.