-- Advertisements --

Iniurong ng mga organizers ng men’s 2022 FIFA World sa Qatar ang araw ng pagsisimula nito.

Imbes kasi na sa Nobyembre 21 ay ginawa na lamang ito sa Nobyembre 20.

Ito ay para payagan ang paglalaro ng host nation na Qatar laban sa Ecuador sa unang.

Ang nasabing desisyon aniya ay para maituloy ang matagal ng tradisyon kung saan ang unang laro ng World Cup ay dapat sa host country o sa mga defending champion.

Paglilinaw naman ng mga organizers na hindi magbabago ang paglalabas ng mga listahan ng mga maglalaro sa Nobyembre 14.

Dahil sa pagbabago ay napalitan na rin ang petsa na mula Nobyembre 20 na magtatapos sa Disyembre 18.