Hindi isinasantabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang posibilidad na i-review ang nilalaman ng inaprubahang Rice Tariffication Law.
Ito’y kasunod ng panawagan mula sa stakeholders dahil sa umano’y pagkalugi ng mga lokal na magsasaka.
Ayon kay Piñol, isusumite niya sa tanggapan ni Pangulong Duterte ang lahat ng hinaing at reklamo ng local rice farmers sa pamamagitan ng formal memorandum.
Sa isang dialogue, sinabi umano ng mga magsasaka na importers at mangangalakal lang ang kumikita sa maluwag na sistema ng importasyon ng bigas.
Naging istilo raw kasi ng importers na bumili ng bigas sa murang halaga at ibenta ito sa mas mahal na presyo.
“The prevailing farm-gates prices showed a steep drop from an average of P20 a kilo of fresh palay earlier this year, which resulted in an estimated P114 billion in losses to Filipino rice farmers for the whole year.”
“In contrast, the market prices of rice, expected to drop by P7 a kilo with the rice tariffication law, have remained almost constant with some areas reporting a drop of only P1 to P2 a kilo even with the deluge of imported rice.”
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority nitong Hunyo, nasa P17.85 kada kilo ang farm grate price ng bigas.
Ito raw ang pinaka-mababang halaga sa loob ng nakalipas na tatlong taon.
Ayon kay dating Anakpawis Cong. Ariel Casilao higit P10-bilyon na ang halaga ng nalulugi mula sa local farmers mula ng lumakad ang batas.
Kaya purisigido raw ang kanyang mga dating kasamahan sa Makabayan bloc ng Kamara na ituloy ngayong 18th Congress ang panawagan suspensyon sa implementasyon ng naturang batas.