-- Advertisements --

Suportado umano ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang naging rekomendasyon ng pamunuan ng Philippine National Police Academy (PNPA) na sibakin sa cadetship ang siyam na kadete dahil pambubugbog ng kanilang mga seniors.

Binigyang-diin ni Albayalde na ang pambubugbog ay kailanman hindi naging karapatan at hindi naging tradisyon sa PNPA.

Ayon kay PNP chief kung kailangan i-dismiss ang siyam na kadete ay suportado ito ng PNP.

Una nang kinumpirma ni PNPA director C/Supt. Joseph Adnol na kanilang inirekomenda ang dismissal ng siyam na kadete habang ang ibang sangkot ay pinatawan ng parusa.

Sinabi ni Adnol, napatunayang guilty ang siyam na kadete sa pambubugbog bg kanilang upperclassmen matapos ang graduation rites nuong March 21, 2018 sa Camp Castañeda, Silang, Cavite.

Una rito, nasa anim na miyembro ng PNPA Maragtas Class of 2018 ang binugbog ng kanilang mga underclassmen.