-- Advertisements --

Hindi pa nakikitaan sa ngayon ang pangangailangan na isara ang borders ng bansa sa gitna ng banta ng nakakahawang monkeypox virus ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Paliwanag ni Duque ang naturang hakbang ay para sa mas striktong surveillance at symptom screening para sa COVID19.

Patuloy naman aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa World Health Organization hinggil sa development ng naturang sakit na laganap na sa ibang bansa partikular na sa Canada, Italy, Sweden, Spain, Portugal, Europe, at North America.

Naggbigay na rin aniya ng direktiba sa Bureau of Quarantine para imonitor ang mga pumapasok na pasahero mula sa mga nasabing bansa na nakapagtala na ng kaso ng monkeypox virus.

Ani Duque na ang naturang sakit ay maaaring maipasa sa ibang tao sa pmamagitan ng direktang contact gaya ng bodily fluids at sexual transmission.

Base sa pag-aaral ang sintomas ng monkeypox ay lagnat, rashes at pamamaga ng lymph nodes, Ang vorus na ito ay hindi gaanong nakakhawa at nagdudulot ng less severe illness kumpara sa smallpox.

Iginiit ni Duque na sa kasalukuyan wala pang nadetect na kaso ng monkeypox virus sa bansa at hindi pa nakikita ng WHO na isang banta sa kalusugan ng publiko ang naturang sakit.