-- Advertisements --
image 94

Welcome para sa Commission on Human Rights ang mga panibagong development sa mistaken identity incident na ikinasawi ng binatilyong si Jemboy Baltazar sa Navotas City.

Ito ay matapos na masampahan na ng kasong murder na non-bailable ang anim na dating pulis Navotas kasunod ng paglalabas ng arrest warrant ng Navotas City Regional Trial Court Branch 286.

Sa isang statement ay sinabi ng naturang komisyon na mga bagong development na ito sa naturang kaso ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagtiyak ng hustisya sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga salarin sa nasabing kaso.

Giit ng ahensya, dapat panagutin ang mga nakagawa ng di-umano’y mga paglabag kung isasaalang-alang na sila ay nanumpa na maglingkod alinsunod sa mga patakaran at pamantayan na kinakailangan ng mga opisyal ng pulisya.

Samantala, kaugnay nito ay siniguro rin ng CHR na magpapatuloy ang kanilang isinasagawang monitoring sakasong ito at pagbibigay suporta bilang tulong sa pagtiyak ng hustisya.

Kasabay nito ay binigyang-diin din ng komisyon na ang kahalagahan ng patuloy na commitment sa due process, transparency, at accountability sa pamamagitan naman ng legal proceedings.

Kung maaalala, kusang sumuko sa mga otoridad ang anima na suspek sa pamamaslang sa biktimang si Jemboy nang maglabas ng arrest warrant ang korte laban sa kanila.

Una na ring sinabi ng PNP na sa ngayon ay sa kustodiya muna ng CIDG Lucena sa lalawigan ng Quezon muna mananatili ang mga ito habang hinihintay pa ang commitment letter ng korte para sa kanila