CEBU CITY – Sumang-ayon ang regional director ng Police Regional Office (PRO)-7 na isasailalim sa drug test ang mga mag-aaral sa junior at senior high school.

Ito ang naging pahayag ni Police Brigadier General Debold Sinas alinsunod sa mahigpit na kampanya ng Philippine National Police laban sa iligal na droga.

Ayon kay Sinas, nasasangkot ang ilang kabataan sa illegal drug transaction ng mga malalaking drug personalities at gumagamit din ang mga ito ng pinagbabawal na gamot.

Samantala, mahigpit ang ipinapatupad na seguridad ng PRO-7 bilang paghahanda sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa Hunyo.

Sinabi ni B/Gen. Sinas na nakahanda na ang mga security plan na ipapatupad naman sa lahat ng mga city at provincial police offices sa buong Central Visayas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here