-- Advertisements --

Mananatili pa rin ang panuntunan o guidelines sa mass gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quaratine (GCQ).

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, posibleng sa Hunyo 10 pa magdedesisyon ang Inter Agency Task Force (IATF) kung papayagan na ang hiling ng simbahan na pagsasagawa ng misa sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

Depende pa kasi ito sa ilalabas ng Department of Health (DoH) na datos ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Hunyo 10 na siya namang basehan sa ilalabas na guidelines sa Hunyo 15.

Sa ilalim ng kasalukuyang guidelines 10 lamang ang pinapayagan sa mga religious gatherings na nasa ilalim ng GCQ lalo na sa Metro Manila na marami pa rin ang kaso ng COVID-19.

Kahapon nang payagan ng IATF na ang 50 percent na kapasidad ng mass gatherings sa mga religious venues na nasa ilalim ng modified general community quarantine.