-- Advertisements --

Ikinagalak ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11901 o kilala bilang Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022.

Naniniwala si Diokno na ang pagsasabatas nito ay nangangahulugan ng pag-unlad sa sektor ng agrikultura na siyang pangunahing prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa ng kalihim na ang RA 11901 ay tutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka, mangingisda, at agri-based micro, small, at medium enterprises (MSMEs) alinsunod sa Philippine Sustainable Finance Roadmap.

Sa ilalim nito ay magkakaroon ng sistema ng pagpopondo sa agrikultura, fisheries, at rural development.

May kapasidad din ito na pahusayin ang productivity, income, pangangalaga sa kapakanan ng mga farmers, fisherfolk, agri-based workers and organizations, at iba pang target rural community beneficiaries.