-- Advertisements --
image 237

Puspusan na raw ang ginagawang pqgsasaayos ng mga Electric Power Distributors sa mga nasirang linya ng kuryente para maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa mga lugar na dinaanan ng Super Typhoon Karding.

Ayon sa Department of Energy (DOE), nananatiling walang kuryente sa mga lalawigan ng Aurora, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac gayundin ang San Miguel sa Bulacan.

Batay aniya ito sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), National Electrification Administration (NEA) at ng Manila Electric Company (Meralco).

Gayunman, tiniyak ng mga nabanggit na electric power distributors na patuloy ang pagsusumikap nilang maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.

Nagiging pahirapan lamang sa bahagi ng Aurora dahil nakalubog pa sa putik ang mga linya matapos itumba ng malakas na hangin ang mga tore ng kuryente.

Sa panig naman ng Meralco, sinabi nilang mula sa mahigit dalawang milyong custumer nilang walang kuryente ay bumaba na ito sa 3,526.