-- Advertisements --
image 362

Puspusan na ngayon ang pagsasaayos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga nasirang linya ng kuryente na nasira dahil sa epekto ng bagyony Paeng.

Ipinakalat na raw ang halos 600 tauhan nito o 73 line gangs, para pabilisin pa ang restoration works sa transmission lines na sinira ng bagyo.

Bukod dito ang apat pang choppers na ginagamit na rin sa pag-inspection sa mga linya.

Hanggang kaninang alas dies ng umaga, naibalik na ang transmission services sa Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Laguna, Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Antique, at Aklan.

On-going pa rin hanggang ngayon ang restoration activities sa buong lalawigan ng Aurora, at bahagi ng Nueva Ecija, Pangasinan, Quezon, at Batangas sa Luzon.

Sabi pa ng NGCP na nagpapatuloy pa rin ang damage assessment sa mga pininsala ng bagyo.

Samanatala, pinakilos din ng NGCP ang kanilang corporate social responsibility arm para ipamahagi ang mga prepositioned relief stockpiles sa mga natukoy na lugar sa buong bansa.