-- Advertisements --
Kumpiyansa si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na matatapos nila ang maintenance ng mga paliparan sa bansa hanggang Hunyo.
Ayon sa kalihim na bago ang itinakdang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay tapos na ang pagsasaayos ng 18 paliparan sa bansa.
Kasama na rin dito ang 20 mga pantalan sa bansa at ilang mga rail projects at mga road projects.
Pagdating naman ng June 2025 ay matatapos na ang railway projects kabilang na ang MRT7 ganun din ang extension ng LRT1 mula Baclaran hanggang Sucat.