-- Advertisements --
image 139

Dapat agad na simulan ng gobyerno ang pagsasaayos sa mga paaralang nasira ng Bagyong Egay at habagat, kaugnay ng opisyal na pagbubukas ng mga klase.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary General Raymond Basilio, kinakailang mabigyang aksyon ang pagpapaayos ng mga sirang paaralan upang matiyak na ligtas at maayos ang mga guro at mag-aaral.

Sa datos NG Department of Education, 169 na paaralan ang napinsala ng sama ng panahon sa Cordillera Administrative Region, Metro Manila, Cagayan Valley, Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Eastern Visayas at Bicol Region.

Sa kabilang banda, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang mga kagamitang pang-edukasyon, computer at armchair ay nawasak sa iba’t-ibang munisipalidad sa buong bansa.

Nakapagtala rin ito ng 559 na mga nasirang silid-aralan mula sa mga apektadong rehiyon.

Sa ngayon, ang mga paaralan sa ibang lugar na lubhang sinalanta ng bagyo ay nagsasagawa na ng agarang pagsasaayos at paglilinis upang makapagpapatuloy na rin sa kani-kanilang mga klase.