-- Advertisements --

Target ng Department of Education (DepEd) na isama ang technical and vocational education and training (TVET) sa Senior High School (SHS) curriculum.

Ito ay kasunod ng paglagda ng DepEd sa 2 joint memorandum circulars (JMCs) kasama ang 3 iba pan ahensiya ng gobyerno ngayong Biyernes kabilang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa isang mensahe ni VP at Education Sec. Sara Duterte na ipinaabot ni DepEd USec. Michael Poa, sinabi ng Bise Presidente na mahalaga ang nilagdaang joint memorandum circulars para matiyak na magtataglay ng mahahalagang kakayahan ang mga mag-aaral at graduates para sa technical professions at pangmatagalang mga skills na mahalaga para sa iba’t ibang oportunidad gaya ng college admission at trabaho.

Sa unang DepEd joint circular kasama ang TESDA, nakapokus ito sa pagkakaroon ng standardized assessment at certification procedures para sa senior high school Technical Vocational Livelihood track learners at mga guro.

Binibigyan din ang senior high school graduates na makapag-avail ng libreng assessments sa TESDA-accredited assessment centers habang ang SHS teachers naman ay makakatanggap ng libreng pagsasanay at certification para sa trainers methodology course.

Sa ikalawang joint circular kasama ang CHED at DOLE, ang bawat estudyate sa SHS ay maaring mamili sa 3 tracks: academic TVET, sports, at arts para maihanda ang mag estudyante para sa workforce pagka-graduate ng mga ito.