-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Wala pang inilalabas na official statement ang Tuna Exporters Multi Purpose Cooperative(TEMPCO) na pinagtatrabahuan ng 10 iniulat na nasawi at 5 sugatan sa nangyaring vehicular accident kahapon sa Nat’l Highway Brgy. Batomelong nitong lungsod ng Heneral Santos.

Ngunit tiniyak ng naturang kooperatiba na magbibigay sila ng tulong sa lahat ng pamilya ng mga biktima.

Sarado ang kanilang opisina ngayon upang ayusin ang lahat ng bayarin sa ospital at gastos sa pagpapalibing sa mga nasawi.

Ayon kay PLt. Col Dominador Palgan Jr. ang hepe ng Traffic Enforcement Unit (TEU) Gensan naging mitsa ng vehicular accident ang pumutok na isang gulong ng sasakyan sa likurang bahagi ng commuter van.

Sa 13 na pasahero, kinumpirma nito na siyam ang binawian ng buhay kabilang dito ang driver.

Iniulat rin na ang isa sa mga nasawing biktima ay ikakasal na sana sa susunod na buwan.

Habang lima sa mga injured victims ang nagpapagaling pa ngayon sa pagamutan.

Nalaman na nasawi rin sa insidente ang driver ng wing van.

Sa otoridad na nagpasirko-sirko ang commuter van dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa wing van na resulta ay nabangga nito ang isang pick-up.

Matatandaang nauwi sa trahedya ang masaya sanang team building ng mga biktima sa Samal Island nitong nakaarang kasunod ng nasabing disgrasya.