-- Advertisements --
Umikot sa agrikultura, enerhiya at imprastraktura ang naging pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Sa nasabing meeting sa Malacañang ay ipinaabot ni Chinese President Xi Jinping ang kaniyang pagbati kay Marcos dahil sa pagkapanalo sa halalan.
Tiniyak ng dalawang lider ang kooperasyon at pagtutulungan sa isa’t-isa.
Magiging malaking tulong aniya ito sa dalawang bansa sa pagresolba ng usapin sa West Philippine Sea (WPS).