-- Advertisements --

Inaasahang makakatulong sa pagsulong ng domestic sector ang gaganapin na pagtitipon-tipon ng global rice stakeholders sa Philippine International Convention Center sa Oktubre 16-19, ayon yan sa Department of Agriculture.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, makakatulong ang International Rice Congress (IRC) 2023 sa pagiging advance sa genetics, digital at nature-based solutions, na makakapagbigay ng mahahalagang insights para matugunan ang iba’t ibang hamon na kinakaharap ng rice industry sa Pilipinas.

Ito ang unang pagkakataon na magho-host ang Pilipinas sa International Rice Congress, na nagsimula noong 2002. Ayon sa International Rice Research Institute, ito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga stakeholder ng rice-based food systems sa buong mundo.

Ang naturang conference ngayong taon,ay naglalayong i-highlight ang mga solusyon at mga inobasyon na makakatulong sa pagtugon sa mga problema sa agrikultura, climate change, seguridad sa pagkain at nutrisyon, pagpapanatili ng kapaligiran at human and economic development.