-- Advertisements --

Nakapokus ang pag-uusap nina President-elect Ferdinand Marcos Jr at German Ambassador to the Philippines Anke Reiffenstuel sa courtesy call nito ngayong araw may kinalaman sa pagprotekta sa karapatang pantao at pagtiyak ng rule of law.

Ibinahagi ng German envoy na napag-usapan nila ang funding ng joint program sa human rights ng Germany.

Pagdating sa maritime sector, ayon sa german envoy napag-usapan nila ni Marcos Jr ang kanilang interest sa pagprotekta sa sektor sa pamamagitan ng pagpapatupad ng rule of law.

Napag-usapan din ang hinggil sa global food security na lubhang naapektuhan ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan ibinahagi ng German envoy kay Marcos ang nakatakdang isagawa na international ministerial conference sa global food security.

Liban pa dito, natalakay din ang trade relations at renewable energy sources.

Samantala, ilan pa sa mga nag-courtesy call na din kay President-elect Marcos Jr ay sina Ambassador Jorge Moragas of Spain at Ambassador Mohammed Ride El Fassi of Morocco.