-- Advertisements --

Marami pang paraan para pwedeng pagkuhanan ng pondo para mapondohan ang ilang mga programa ng gobyerno na wala o zero budget.

Ito ang binigyang-diin ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Representative Mannix Dalipe.

Sinabi ni Dalipe na hindi kailangan galawin ang Confidential at Intelligence Funds ng Office of the President (OP) at ng Office of the Vice President (OVP) at maging ng iba pang ahensiya ng gobyero para mapondohan ang pagpapatayo ng dagdag na classroom sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Dalipe ay kasunod sa panawagan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na ilipat na lamang ang confidential at intelligence funds sa mga programa na may kaugnayan sa edukasyon.

Siniguro naman ni Dalipe na suportado nito na dagdagan ang pondo para sa pagtatayo ng mga classrooms.

Nuong kasagsagan ng deliberasyon ng pambansang pondo sa Kamara naging mainit ang usapin kaugnay sa napakalaking confidential at intelligence funds na meron ang Office of the President, Office of the Vice President at maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kaya panawagan ng mga mambabatas mula sa minority na ilipat ang naturang pondo sa mga makabuluhang programa na wala o zero ang budget.