-- Advertisements --
Marcos Fedinand

Malaki raw ang posibildad na pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr para maging ganap na batas ang SIM registration at ang pagpapaliban ng 2022 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, “very distinct” daw ang posibilidad na pirmahan ito ng Pangulong Marcos ang Sim Card registration bill at wala raw silang pinag-aaralang mai-veto sa panukalang batas.

Sa pagpapaliban naman sa halalan sa Disyembre, malaki raw ang posibilidad at very probable raw na pirmahan ito ng Pangulo.

Kung maalala, ipinasa na ng Senate at House of Representatives sa Malacañang ang enrolled copies ng naturang mga panukalang batas.

Itinurn over ni Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang unang dalawang measures na naaprubahan sa 19th Congress sa Presidential Legislative Liaison Office na si Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza para sa approval at ang pagpirma rito ng Pangulong Marcos.