-- Advertisements --

Naniniwala si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na may kaugnayan sa drug war ang pagpatay sa dalawang Chinese ng riding in tandem suspects.

Ayon kay Albayalde, hindi malayong may kaugnayan sa illlegal drugs ang pagpatay sa dalawang banyaga lalo na at ang kinakaharap silang kaso sa bansa dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Binaril patay ng mga suspek ang dalawang Chinese noong Sabado na nakilalang sina Yan Yi Shou, 35-anyos at Wu Huai Hong, 30-anyos.

Si Yan Yi Shou ay umano’y asset ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino at naaresto noong 2016 kung saan naaabat ang nasa 77 kilos shabu.

Giit ni Albayalde na itong mga riding in tandem suspeks ay walang pinipili at hindi na rin bago na may mga banyagang biktima ng mga tinatawag na motorcycle riding suspects.

May mga hakbang ng ginagawa ngayon ang PNP para maiwasan ang pamamayagpag ng mga riding in tandem suspects.

Aminado rin si PNP chief na ang problema sa MRS ay isang seryosong concern, bagamat bumaba ng 50 percent ang mga naitalang kaso at marami pa rin ang nabibiktima.

Iniutos ni Albayalde na palakasin ang checkpoints at police visibility para maiwasan ang mga kaso ng MRS.

Samantala, pinawi naman ni PNP chief ang pangamba ng kanilang mga kritiko na maaaring maging template na ng mga pulis ang pag-aresto ng mga abugado kasunod ng insidente na nangyari sa Time in Manila Bar sa Makati City habang isinisilbi ng PNP ang search warrant.

Paliwanag ni Albayalde na depende naman sa sitwasyon, aniya kung hindi makiki alam ang mga abugado ay hindi naman ito mangyayari.