Mariing tinuligsa ng National Security Council ang naging pahayag ng China na kumukuwestiyon sa pagpasok ng mga tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ito ay kasunod ng mga claims ng China patungkol sa umano’y ilegal na pagdaong ng barko ng Pilipinas sa Ayungin shoal kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan malaya, walang ilegal sa ginagawang rotation and resupply mission ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard sa mga tropang nakabase sa iba’t-ibang bahagi ng West Philippine Sea.
Bukod dito ay pinabulaanan din niya sinabi ng China na mayroon umano itong tinaboy na barko ng PCG na nagpapatrolya sa bahagi ng Bajo de Masinloc shoal.
Kung maaalala, una nang iniulat ng AFP na naging matagumpay at maituturing na “flawless” ang pinakahuling resupply mission ng Pilipinas para sa mga tropang nakabase sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.