-- Advertisements --

Bahagyang bumaba ang mga foreign direct investment (FDI) na pumasok sa Pilipinas noong nakalipas na buwan ng Marso ng taong kasalukuyan.

Gayunman ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) positibo pa rin daw ito para sa first quarter ng taon.

Batay sa datos nasa US$727 million ang net inflows ng mga pumasok na pamumuhunan sa Pilipinas na nasa 9.8 percent na mas mababa sa S$806 million net inflows na naitala sa kaparehong period noong nakalipas na taoin.

Naniniwala naman ang mga ekonomista na bagamat nanatiling malakas ang macroeconomic fundamentals ng Pilipinas, hindi pa rin daw maiiwasan ang mga external risks, tulad ng epekto ng pananakop ng Russia sa Ukraine na nagdulot nang pangamba sa mga financial market sa buong mundo, ganon din ang pagsisimula ng paghihigpit sa mga polisiya ng ilang major central banks at isyu na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang Asian economies.

Ang naturang mga dahilan ang maari aniyang nakadagdag sa pagkabahala rin daw ng mga investors sa global economic recovery.