-- Advertisements --
Ramdam na sa ilang lugar sa bansa ang matinding init na sinasabing bahagi ng epekto ng El Niño Phenomenon.
Ayon kay Southern Leyte Gov. Damina Mercado, mainit sa ilang bayan, ngunit may pag-ulan naman sa dakong norte ng probinsya.
Sa ngayon, naghanda umano sila ng mga irrigation system para sa mga sakahan sa naturang lalawigan.
Matatandaang sa ulat ng Department of Science and Technology (DOST), isa ang Southern Leyte sa posibleng dumanas ng tagtuyot sa mga susunod na buwan, hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Samantala, sa monitoring naman sa mga dam, patuloy ang pagbaba ng level ng tubig sa karamihang dam kaya nakaalerto ang mga eksperto sa posible pang paglala ng sitwasyon.