
Ang kalapastanganang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo ay kahindik-hindik, kasuklam-suklam at kamuhi-muhi.
Bahagi ito Ito ng mga binitawang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. nang magbigay ito ng opening statement sa ginanap na pagdinig sa Senado hinggil sa pagpasalang kay Negros Oriental Governor Degamo at walong iba pa.
Nais ni Revilla na magbunga ng positibong resulta ang isinasagawang imbestigasyon upang mapanagot sa lalong madaling panahon ang nasa likod at mismong nagsawa nang pagpasalang kay Degamo at iba pa.
Saad ng mambabatas, ginagastusan ng gobyerno ang mga alagad ng batas, mula uniporme, armas hanggang pagsasanay para magkaroon ng tagapagtanggol ang mga Pilipino.
Kasabay nito ay tiniyak ni Revilla na hindi umano sila titigil kasama ang kaniyang kapwa mambabatas sa Senado hangga’t hindi napapanagot kung sinuman ang nasa likod ng karumal-dumal na krimeng ito.










