Isinusulong ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maipasa ang Konektadong Pinoy bill o panukalang batas na magbibigay ng open access at transparency sa data transmission sector ng Pilipinas.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, suportado ng ahensiya ang pagpasa ng Open Access Bill o ang pinakabaghong iteration nito na Konektadong Pinoy Bill.
Kumakatawan aniya ang naturang panukalang batas sa commitment ng ahensiya para itaguyod ang patas na kompetisyon at pagbuwag ng mga hadlang sa paagpasok ng data transmission sector.
Layunin aniya nito na mabawasan ang gastos at mapalawig ang access para sa mataas na kalidad ng internet services para sa lahat ng mga Pilipino lalo na sa mga lugar na hindi naabot ng internet.
Matatandaan na una ng ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bersiyon ng Open Access Bill noong Disyembre 2022.
Sa naturang panukala, isinusulong ang paglikha ng isang independent regulatory system at isang lupon para sa digital infrastructure ng bansa at makaengganyo ng mga mamumuhunan.
Kaparehong panukalang batas ang inihain ni Senator Jinggoy Estrada sa Mataas na Kapulungan sa Kongreso at kasalukuyang tinatalakay sa Senado.
Samantala, ayon naman kay Sec. Balisacan ang Open Access Bill ay parte na ang priority measures na isinusulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).