Umaapela ngayon ang ilang employers at business groups kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng PhilHealth contribution hike.
Sa isang liham na inilathala nito para sa Pangulo ay hiniling ng naturang mga grupo ang pansamantalang pagpapaliban sa naturang kautusan hanggang sa taong 2025.
Sa oras kasi anila na maipatupad ang naturang pagpapaliban ay magdudulot ito ng malaking kaginhawaan sa majority ng vulnerable micro and small establishments, gayundin sa mga Pilipinong manggagawa na nahihirapang i-comply ang naturang premium hike, lalo na ngayong tumataas pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Kabilang sa mga signatories ng naturang liham ay sina Employers Confederation of the Philippines chairman Edgardo Lacson, Philippine Chamber of Commerce and Industry president Enunina Mangio, and Philippines Exporters Confederation president Sergio Ortiz-Luis Jr.
Kung maaalala, una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng pamahalaan ang naturang proposed premium rate hike na 4% to 5%.