-- Advertisements --

Pinarerepaso ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng Expanded Government Assistance to Students and Teachers o ang E-GASTPE law.

Sa Proposed Senate Resolution No. 925 na inihain ni Gatchalian, iginiit nito ang pangangailangan para sa maayos na pagpapatupad ng programa sa GASTPE.

Aniya, layunin dapat ng programa na iangat ang kakayahan ng mga mag-aaral at tiyaking may access sa dekalidad na edukasyon ang nangangailangang mga kabataan

Sa ilalim ng 2024 national budget, P40.48 bilyon ang nilaan para sa GASTPE.

Samantala, nagbigay daan naman ang pagpapatupad ng K to 12 curriculum sa pagpapalawak ng E-GASTPE at pagkakaroon ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP).

Ngunit patuloy na humaharap sa mga hamon ang pagpapatupad ng mga programa sa GASTPE.

Ayon sa 2019 Performance Audit Report on GASTPE ng Commission on Audit, may mga ulat na hindi mapatunayan ng mga paaralan na tunay na mag-aaral ang naitalang mga benepisyaryo.