-- Advertisements --

Walang nakitang aberya ang Bureau of Immigration (BI) sa unang araw ng pagpapatupad ng bagong e-travel system.

Ayon sa BI na mayroong mahigit 32,000 na mga dayuhan at Filipino ang nakapagparehistro sa nasabing sistema.

Habang aabot naman sa 14,000 na mga Filipino na paalis sa bansa ang nakapagrehistro sa website.

Ipinatupad ang bagong sistema nitong Sabado na ito ay tinatawag na single data collection platform sa mga paparating at papaalis na pasahero.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang nasabign sistema ay katulad din an ipinapatupad sa ibang mga bansa.