-- Advertisements --
image 151

Inaaasahan umano ng isang eksperto na tataas na naman ang COVID cases sa bansa kung tuluyan ng ipatupad ang 100 percent na face to face classes sa buwan ng Nobyembre.

Inamin ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, ito raw ang kanilang nakikita kung tanggalin na ang mga restrictions.

Kung sakali kasi mas marami na ang magkakaroon ng exposures at pakikisalamuha sa bawat isa, sa ngayon aniya ang sinisikap ng department of health ay maiiwas na maospital ang mga bata at mapabiling sa mortality.

Kabila pa aniya sa dapat gawing diskarte ay palakasin pa rin ang vaccination drive at pagbibigay ng booster shots.

Muling pinaalalahanan ni Dr De Guzman ang mga magulang at caregivers ng mga bata na limang taong gulang pababa na hindi pa nakakatanggap na COVID vaccines na madaliin na sila ay ipabakuna na.

Samantala umaasa naman si OCTA fellow Dr. Guido David na magpatuloy sa pagbaba pa ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Gayunman dahil sa panibago na namang subvariants na papasok sa bansa, inaasahan din na hindi na magiging solido ang tinaguriang wall of immunity lalo na sa ilang panig ng bansa.

Kaya naman hindi na raw sila magtataka kung maitatala ang pagtaas at pagbaba ng tinatamaan ng virus hanggang sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.