-- Advertisements --

Tinuligsa ng grupo ng mga mangingisda ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagpapatuloy ng 2 reclamation projects sa Manila Bay.

Kinuwestyon ng grupo ang biglaang pagbaliktad sa verbal suspension order ng Pangulo gayong lahat ng reclamation projects sa Manila Bay ay pinagpaliban habang nagsasagawa ng impact assessment ang DENR.

Ayon pa kay Pamalakaya National Chairperson Fernando Hicap ang lumalalang pagbaha at problema sa kapaligian dulot ng reclamation ang siyang nagbunsod sa DENR para busisiin ang feasibility studies na isinumite ng proponents sa pagkuha ng environmental permits para sa kanilang mga proyekto.

Kayat nanindigan ang grupo na ang bawat reclamation sa Manila Bay ay mapanganib sa marine ecosystem at kabuhayan ng mga mangingisda at dapat na ganap na ipatigil.

Una ng inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Pasay na magpapatuloy na ang reclamation project kabilang ginagawa sa Manila Bay matapos na makakuha ng environmental compliance certificate at area clearnce mula sa DENR at PH Reclamation Authority.