-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Archdiocese of Manila na ang itinatayong Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism sa Guadalupe Viejo sa lungsod ng Makati ay hindi lamang kauna-unahan sa Asya kung hindi man sa buong mundo.

Una nang pinasinayaan ang pagpapatayo sa center for exorcism kamakailan kung saan nanguna mismo si Jose Cardinal Advincula Jr. ang Archbishop ng Maynila sa groundbreaking ceremony.

Ayon sa simbahan inabot din ng pitong taon ang pagpapalano sa naturang proyekto hanggang sa makatipon umano ng pera mula sa fundraising.

Nilinaw ni Rev. Fr. Francisco Syquia, director ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism, makikinabang umano sa programa ang mga mahihirap nating kababayan na napapabayaan tulad na lamang ng mga nasasapian ng masasamang espiritu.

Kung matapos na ang center, ilalagay din ang opisina ng Archdiocese of Manila Commission on Extraordinary Phenomena, the Ministry of Exorcism Office, the Ministry on Visions and Phenomena Office, and magsisilbi itong headquarters ng Philippine Association of Catholic Exorcists (PACE).