-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ni Sen. Bong Go na nais pa rin ng pangulo na kumita ang gobyerno mula sa mga palaro at legal na sugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito’y sa kabila ng utos nito na pagpapasara sa ilang gaming operations ng ahensya.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Go na pinatitiyak ni Pangulong Duterte na hindi malulugi ang pamahalaan sa naturang kautusan.
Nais daw ng presidente na masilip at imbestigahan ang lahat ng pinasok na transaksyo ng PCSO nang matukoy kung totoo ang issue ng korupsyon sa loob nito.
Samantala, pinabulaanan naman ng senador ang usapin na may sisibakin ang pangulo na mga opisyal ng ahensya kung mapapatunayang may anomalya sa mga transaksyon ng PCSO.