-- Advertisements --

Hindi sang-ayon si Sen. Koko Pimentel sa naging hakbang ng pamahalaan na ipasara ang ilang website, kasama na ang ginagamit ng mga progresibong grupo.

Ayon kay Pimentel, hindi makatuwiran ang pag-block ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mahigit 20 websites, kahit sinasabing may kaugnayan sa makakaliwang grupo ang ilan sa mga ito.

Sinabi ng mambabatas na ang nasabing aksyon ay pagkakait sa publiko ng pagkakataong mapag-aralan at mapag isipan ang iba’t ibang pananaw, idea at teorya ng sinasabi ng mga organisasyon.

Dapat aniyang mahikayat ang mga kabataang Pilipino na maging critical thinkers para matuto ang mga ito na gumawa o humanap ng ibang paraan nang pag resolba sa mga problema at isyu ng bansa.

“We may be keeping our people esp our younger generation ignorant of other perspectives, other ways of looking at things, other ways of solving our problems,” wika ni Pimentel.

Una nang ipinasara ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. sa NTC ang mga nasabing website na may direkta umanong ugnayan sa komunistang organisasyon.