-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -“Unrealistic” Ito ang naging reaksyon ni France Castro, Representative ng ACT Partylist, ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya kaugnay sa paglilinaw ng Department of Education sa pagpapatuloy ng blended learning.

Ayon kay Castro, mahihirapan din makapagfocus ang mga mag-aaral at guro na apektado ng pagbaha sapagkat mas magiging prioridad ng mga ito ang kaligtasan.

Ganun din umano sa modular learning, maliban sa magiging problema sa device at internet resources.

May mga pagkakataon din na ginagamit ang pasilidad ng eskwelahan bilang evacuation center kung saan tumutulong din ang mga guro.

Giit ni Castro, naiintindihan naman ang paghahabol ng sektor ng edukasyon dahil sa nararanasang learning crisis ng bansa ngunit malinaw din aniya ang nakasaad sa Department Order No.37 ang suspendido ang anumang mode of learning.

Binanggit din niya, may matututunan din na lifelong learning ang mga kabataan sa panahon ng kalamidad tulad na lamang ng pagsosolusyon sa kinakaharap na sitwasyon.

Samantala, nagkaroon din ng feedback si Castro mula sa pagpapatuloy ng Department of Education sa isinasagawang learning camp.

Nagsasagawa naman ng Donation Drive ang Alliance of Concerned Teachers upang makatulong sa mga apektadong guro at estudyante.

Maaari naman aniya tumulong ang mga nais din magpaabot ng tulong.