-- Advertisements --
Pinayagan na muli ngayong taon ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Pampanga ang tradisyunal na mga aktibidad tuwing Semana Santa gaya ng pagpapapako sa krus, self- flagellation o paghampas sa sarili at pagbubuhat ng krus.
Ang naturang mga aktibidad ay natigil ng dalawang taon sa may Barangay San Pedro Cutud, San Fernando City na tradisyunal na isinasagawa tuwing Mahal na araw dahil sa COVID-19 pandemic.
Para kasi sa ilang Katolikong deboto ito ay bahagi ng pagsasakatuparan ng kanilang panata o debosyon.
Nag-abiso naman ang lokal na pamahalaan sa publiko na manonood ng mga aktibidad na magsuot ng face mask at ugaliin pa rin ang pag-obserba sa social distancing.