-- Advertisements --

brgy

Inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang pagpapaliban ng Barangay at SK Elections na nakatakda.

Si Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang nagmosyon sa isinagawang pagdinig ng Komie at matapos ang botohan ay nakalusot na ang panukala.

Napili naman ng komite bilang bagong petsa para sa Barangay at SK elections ang unang Lunes ng Dec. 2023.

Nagpasya rin ang komite na ang mga mananalo sa naturang halalan ay magsisimula ang termino sa Jan. 1, 2024 para sa period o panahon na 3 taon.

Aprubado rin ng komite ang probisyon para i-repeal ang kasalukuyang batas para sa Dec. 2022 elections, at isinama na ang “holdover positions” kung saan ang mga incumbent o kasalukuyang opisyal ng mga barangay ay mananatili hanggang mahalal ang mga bagong opisyal sa Dec 2023, maliban kung sila ay tinanggal sila sa pwesto.

Sa pulong kanina ang House Committee on Suffrage and Electoral reforms sa pangunguna ni Rep Maximo Dalog Jr bilang committee chairman.

Present sa pagdinig ang 15 committee at ex officio members kabilang dito si Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Kabilang sa mga resource speakers na inimbitahan ay sina Comelec Chairman George Erwin Garcia, Atty Helen Aguila Flores at Atty Teofisto Elnas.

Ayon kay Rep. Dalog nasa kabuuang 81 house bills, limang house resolution ang hawak ngayon ng komite.

Sa nasabing bilang ng house bills 38 ay pareho ang topics o nilalaman.

Kaniya kaniyang talumpati naman ang mga mambabatas sa kanilang isinusulong na panukalang batas kaugnay sa postponement sa Brgy at SK election.

Samantala, nirerespeto ng Comelec kung anuman ang desisyon ng Kongreso hinggil sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections na nakatakda sa Dec. 5. 2022.

Ang pahayag ay kasunod ng pag-apruba ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa panukalang i-postpone ang halalan.

Sinabi ni Garcia, may kapangyarihan kasi dito ang Kongreso.

Inihayag niya na posibleng maghihinay-hinay o magdadahan-dahan ang Comelec sa preparasyon para sa halalang pambarangay at SK sakaling ang panukala ay maaaprubahan na sa plenaryo ng Kamara.

Pero sinabi ni Garcia na sa ngayon ay magpapatuloy ang Comelec sa paghahanda kahit pa naaprubahan na ang panukala sa committee level ng Kamara, at aakyat pa rin aniya ito sa plenaryo kung saan mayroon pang proseso rito.

Giit ng Comelec chairman, ang poll body ay hindi dapat nagugulat at sila ay handa rin naman sila kung idaraos man ang halalan sa Mayo o Disyembre ng susunod na taon.