Pinaalalahanan ni Department of Tourism (DOT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat ang turista na magnanais bumisita sa El Nido, Palawan kaugnay ng pagsunod sa health protocols dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Pahayag ito ng kalihim kasunod ng desisyon ng lokal na pamahalaan ng El Nido na luwagan pa ang travel restriction nito simula October 30.
Ayon kay Puyat, kailangang magpakita ang turista ng negative resulta mula sa RT-PCR test nang 72-hours bago ang nakatakda nitong biyahe.
“The tourism industry’s reopening is gradually building momentum, especially after the news about the re-opening of Boracay and the Ridge and Reef travel bubble between Baguio and the provinces of Region 1,” pahayag na Tourism secretary sa kanyang meeting sa local officials ng Palawan.
Binati ni Puyat ang lokal na pamahalaan ng El Nido dahil sa desisyon nitong buksan sa mga turista ang kanilang lugar, na kilala rin sa magagandang beaches at nature attractions.
Mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic, nalugi raw ng P3.2-billion ang buong El Nido. Halos 6,000 manggagawa naman ang nawalan ng trabaho.
“Considering that Palawan’s El Nido has been consistently voted as the world’s best island, I would also like El Nido to be seen as part of the industry’s rebirth.”