-- Advertisements --
sim card

Inihayag ni Department of Communications and Information Technology (DICT) Secretary Ivan Uy na makikipagkita ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para talakayin ang posibleng pagpapalawig ng deadline ng SIM card registration.

Tatalakayin ni UY ang usapin sa Pangulo upang mapagdesisyunan na kung papalawigin pa isang araw na lamang bago ang deadline bukas, Abril 26.

Nitong Lunes, nakipagkita ang DICT sa iba pang concerned agencies gayundin sa telco operators.

Una na ring hiniling ng mga telecoomunication companies ang pagpapalawig ng Sim card registration dahil sa mas mababa kesa sa inaasahang turnout ng nagparehistro ng SIM card.

Ayon sa Network operators, ang kakulangan ng valid IDs ang isa sa mga problema na nararanasan ng mga Pilipino sa pagrerehistro ng kanilang SIM card.

Sinabi naman ng DICT chief na posibleng ianunsiyo din ngayong araw kung papalawigin o hindi ang SIM registration.