Kailangan umanong mapanatili ng gobyerno na sapat ang suplay ng manok na nagiging alternatibo ng mga mamimili dahil sa mahal ng presyo ng baboy sa merkado.
Ito ang naging panawagan ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Agriculture (DA) upang hindi na mahawa ang presyo ng manok sa pagtaas ng presyo ng baboy.
Ayon sa senadora, mas makakabuti kung palalawigin ng DA ang suplay ng mga manok dahil ginagawa na itong protein alternative ng mga konsyumer.
Halos dumoble kasi ang presyo ng baboy sa merkado kumpara noong pre-pandemic level kung kaya maraming nababahala na mag-trigger ito ng malawakang pagkagutom sa Pilipinas.
“Hitting two birds with one stone” aniya ang paghahanap ng kapalit at pagtitiyak na tuloy-tuloy lang ang suplay ng manok sa merkado. Bukod kasi sa pagiging alternatibo nito sa baboy ay maaari ring maging source of income ng isang pamilya ang pagbebenta ng manok tulad ng pagbebenta ng gulay.
Upang patatagin ang domestic poultry production ng bansa, hinikayat ni Hontiveros ang ahensya na paigtingin pa ang suporta nto para sa bagong clusters ng chicken producers. Malaki aniya ang potensyal ng mga naturang clusters dahil ginagaya ng mga ito ang efficiency advantege ng malalaking poultry producers.
Kahit daw kasi small at medium scale ang mga ito ay may common facilities sila, nagtutulungan din umano ang mga ito sa pera at labog, gayundin ang pagsasaluhan kapag hindi makakapag-deliver ang isa.
Kailangan din daw gabayan ng DA ang mga poultry producers mula sa organisasyon na nagba-bargain para sa patas na kita hanggang sa pagpapalawig ng kanilang insurance markers para protektahan ang mga ito sa kung ano mang pagsubok ang posibleng daanan ng kanilang mga negosyo.
“There is no shortage of labor, capital, technology and land. In fact, lands previously devoted to rice can now be allocated to the poultry sector. May 20 hanggang 30 na mga probinsya sa Mimaropa, Cagayan Valley, Southern Mindanao at Central Luzon na halos hindi na kumikita sa pagtatanim ng palay. Pwede nilang gamitin ang lupa para sa feeds at poultry production,” saad pa ni Hontiveros. “The government, in coordination with the private sector, should be able to provide support every step of the way.”
Binigyang-diin din nito na maaaring talakayin kaagad ang iba’t ibang constraints na nararanasan sa poultry raising, tulad na lamang ng mataas na presyo ng pakain, sa pamamagitan ng pagbaba ng taripa sa mga imported feeds.
Nagbabala rin ito na ang kakulangan sa pagresolba sa tumataas na presyo ng food commodities ay posibleng maging sanhi ng ‘deadly combination’ ng health at hunger crisis na magbubunsod naman sa muling pagkakadapa ng ekonomiya ng Pilipinas.