-- Advertisements --
image 198

Nais ngayon ng National Youth Commission (NYC) na palakasin ang Music, Arts, and Physical Education (MAPEH) subjects sa mga paaralan.

Sinabi ni National Youth Commission Director and Chief Operations Officer Leah Villalon, kasama na rin dito ang integrate physical activities sa academic instruction para i-promote ang mental health wellness.

Kaya naman todo ang panawagan ng mga ito sa mga paaralan na i-promote ang naturang subject kasabay ng pag-obserba ng bansa sa National Students’ Day.

Naniniwala si Villalon na ang pagsama sa physical activities sa face-to-face classes ay hindi lamang makakatulong sa mga estudyante na makapag-focus nang maayos kundi makakapag-develop din ito ng social skills na kailangan para maibsan ang nararanasang anxiety at depression.

Inihalimbawa pa nito ang 2021 National Youth Assessment Study na nasa 31 percent ng mga youth respondents na may edad 15 hanggang 30-anyos ang nagpapatiwakal.

Base rin sa pag-aaral, lumalabas na mayroong increasing trend ng youth suicide attempts na tumaas sa 17 percent noong nakaraang taon mula sa 12.9 percent noong 2015.

Naniniwala rin itong naging malaki ang epekto sa mga kabataan ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Mayroon din umanong epekto sa mental health ng pandemic dahil nasa 34 percent ng mga respondents sa isinagawang survey ang nagsabing hindi sila nakibahagi sa online learning.

Habang nasa 44 percent naman ang nagsasabing hindi raw sila masyadon natuto sa online classs at nasa 46.9 percent ang nagsabing bumaba ang kanilang motivation sa pag-aaral.